Connect with us

Aklan News

Tricycle driver patay matapos sumalpok sa nakaparadang traysikel

Published

on

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang driver matapos na sumalpok ang minamaneho nitong traysikel sa isa pang traysikel na naka-park sa Sitio Dumeog,Barangay Tambak, New Washington pasado alas-6 ng gabi nitong Miyerkules.

Kinilala ang nasawing biktima na si Joseph Lora, 40-anyos at residente ng Pook, Kalibo.

Ayon sa ulat, mula sa New Washington ang biktima at pauwi na sana ng Kalibo nang mangyari ang aksidente.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa ulo at iba pang bahagi ng kanyang katawan ang biktima.

Kaagad naman itong nirespondehan ng MDRRMO New Washington ngunit wala nang malay ng abutan nila ang biktima.

Sinubukan pang i-CPR ang biktima at isinugod sa Aklan Provincial Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay.

Samantala, nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nangyaring aksidente.