Aklan News
Tricycle na nakaparada sa gilid ng kalsada, sinunog; salarin, hindi pa rin nakilala
SINUNOG ang isang tricycle na nakaparada sa gilid ng kalsada sa Brgy. Tagas, Tangalan, Aklan dakong alas-2:05 ng madaling-araw ng sabado.
Kinilala ang may-ari ng tricycle na si Ernesto Tibon Jr., 40-anyos, residente ng nasabing lugar.
Base sa imbestigasyon ng Tangalan BFP, ipinarada umano ni Tibon sa gilid ng kalsada ang nasabing tricycle dahil sa malayo at papasok pa ang bahay nito dahilan upang hindi nila napansin na sinunog na pala ito.
Umaabot umano sa P45,000 ang halaga ng pinsala sa sasakyan ni Tibon.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Tangalan BFP para makilala ang salirin sa nasabing insidente.
Continue Reading