Connect with us

Aklan News

Tricycle na nasagi ng elf truck, sumalpok sa rescue vehicle

Published

on

Sa inisyal na impormasyon, parehong papunta sa direksiyon ng Banga ang Elf Truck at tricycle habang ang Rescue Vehicle naman ay patungong Poblacion, Kalibo.
Sinasabing pagdating sa lugar ay nasagi ng nasabing elf truck ang tricycle dahilan upang pumakaliwa ito at dumeretso ng salpok sa kasalubong na rescue vehicle.
Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang drayber ng tricycle na agad namang isinugod sa ospital.
Sa ngayon, pinaghahanap pa ang nakasaging elf truck at drayber nito para sa kaukulang imbestigasyon.l Ulat ni Arvin Rompe