Connect with us

Aklan News

Tricycle na nawalan ng kontrol, nabangga ng isang van; 3 sakay ng tricycle, sugatan

Published

on

SUGATAN ang driver ng tricycle at dalawa pang sakay nito matapos mawalan ng kontrol at aksidenteng mabangga ng van sa Tabangka Highway, Numancia, nitong hapon.
Ang tricycle ay minamaneho ng 57-anyos na lalaki, sakay nito na 22-anyos na lalaki at 53-na babae at parehong residente ng Makato.
Sa impormasyon na nakalap ng Radyo Todo, galing sa Makato ang tricycle at papuntang kalibo.
Pagdating sa lugar, nawalan ng kontrol ang driver kaya’t bigla lamang itong lumiko, dahil dito bigla silang nabangga ng isang van na galing sa Kalibo.
Nagtamo ng sugat sa ulo ang driver at sugat naman sa iba’-ibang parte ng katawan ang natamo ng dalawa pang sakay nito.
Agad namang rumesponde ang Numancia MDRRMO sa lugar at dinala ang mga biktima sa Provincial Hospital.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng Numancia PNP sa naturang aksidente.