Connect with us

Aklan News

Tricycle na ninakaw sa Brgy. Andagao, inabandona sa may revetment wall ng Brgy. Mobo

Published

on

Natagpuan na sa may revetment wall ng Brgy. Mobo ang tricycle na ninakaw ng hindi pa nakikilalang kawatan   nitong madaling-araw ng Lunes sa Brgy. Andagao, Kalibo.

Ang naturang tricycle ay pagmamay-ari ni Jose III Tafalla, 36-anyos na tubong ng Brgy. Dongon East Numancia na kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Andagao.

Matatandaang, nakita sa CCTV ang pagtangay ng isang lalaki sa nakaparadang tricycle ngunit hindi ito nakilala at hindi rin nalaman ang pinagdalhan ng tricycle.

Samantala, dakong alas-6:00 kaninang umaga ay nakita ng isang residente ang naturang tricycle sa may revetment wall at nakumpirma na sa kanila iyon.

Kaugnay nito, may narekober pang inihaw na mais sa tricycle na pinaniniwalaang kagagawan ng kawatan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Kalibo PNP ang tricycle at inerefer naman ang kaso sa Highway Patrol Group.

Malaki naman ang pasasalamat ng pamilya ng may-ari na nakita na ang kanilang tricycle.