Connect with us

Aklan News

Tricycle, nabangga ang isang motorsiklo; rider at dalawang angkas ng motor, sugatan

Published

on

NABANGGA ng tricycle ang isang motorsiklo at sugatan ang dalawang backrider nito sa nangyaring aksidente sa Brgy. Pook, Kalibo nitong hapon, Hunyo 12.

Ang motorsiklo ay minamaneho ng 52-anyos na lalaki at residente ng Laguinbanwa West, Numancia sakay ang dalawang backrider nito.

Samantala ang driver naman ng tricycle ay 29-anyos na lalaki at residente ng Linabuan Norte, Kalibo at sakay ang kanyang pamilya.

Ayon sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, galing sa bahagi ng Caano Diversion ang tricycle papuntang Pook Port at galing naman sa New Washington ang nasabing motorsiklo patungong Poblacion, Kalibo.

Pagdating sa crossing na bahagi ng kalsada ay aksidenteng nabangga ng tricycle ang motorsiklo.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang driver ng motorsiklo at dalawang backrider nito.

Hindi naman nasugatan ang driver ng tricycle at mga sakay nito.

Dinala ng mga personnel ng BFP Kalibo at MDRRMO Kalibo ang mga biktima sa Provincial Hospital para sa kaukulang panggagamot.

Agad na rumesponde ang mga kapulisan sa lugar at dinala sa Kalibo MPS ang mga sangkot sa aksidente para sa karampatang disposisyon. | Ulat ni Jisrel Nervar