Connect with us

Aklan News

Tricycle, sumalpok sa jeep sa janlud, libacao; driver ng tricycle sugatan

Published

on

SUGATAN ang driver ng tricycle matapos sumalpok sa paparating na jeep sa Sitio Ilawod, Janlud, Libacao bandang alas-12 nitong Mayo 4.
Ang tricycle ay minamaneho ng 20-anyos na lalaki at residente ng Sitio Tago, Janlud Libacao at ang Jeep naman ay minamaneho ng 47-anyos na lalaki at residente ng Guadalupe, Libacao.
Ayon kay PCol. John Nichole Recto ng Libacao PNP, mula sa Kalibo ang jeep at pauwi na sanang Libacao.
Sinasabing, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver ng tricycle dahil sa lubak-lubak na daan at aksidenteng sumalpok sa paparating na jeep.
Nagtamo ng sugat sa noo ang driver ng tricycle na agad isinugod sa Provincial Hospital para sa kaukulang pangagamot.
Mabuti nalang at walang nasugatan sa tatlo pang sakay ng tricycle at wala ring nasugatan sa mga pasahero ng nasabing jeep.
Agad namang rumesponde ang Libacao PNP sa lugar.
Kalaunan ay nagkaayos din ang magkabilang-panig matapos magkausap sa himpilan ng Libacao MPS. l Ulat ni Jisrel Nervar
Photos : Lara Mae Nama