Connect with us

Aklan News

Tricycle sumalpok sa kasunod na truck, tricycle driver sugatan

Published

on

Sugat sa ulo at gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang senior citizen matapos sumalpok ang kanyang tricycle sa kasunod na 10-wheeler truck sa bahagi ng Sitio Bangbang, Brgy. Calizo, Balete dakong alas-7:30 kagabi.

Napag-alaman na residente ng Brgy. Venturanza, Banga ang naturang tricycle driver habang residente naman ng Iloilo ang driver ng truck.

Batay sa imbestigasyon ng Balete PNP, parehong patungo sa direskyon ng Kalibo ang dalawang sangkot na sasakyan.

Nang makarating sa lugar, partikular sa may ginagawang kalsada ay bigla umanong tumigil ang truck na hindi naman agad napansin ng nasabing tricycle rason para sumalpok ito sa likurang bahagi ng truck.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa ulo at gasgas sa katawan ang nabanggit na tricycle driver.

Samantala, nasa kustodiya naman ngayon ng Balete pnp ang dalawang sasakyan para sa karampatang disposisyon.