Connect with us

Aklan News

Trike driver, inabangan sa tulay at pinagbantaan ng lasing na kumpare

Published

on

TRIKE DRIVER, INABANGAN SA TULAY AT PINAGBANTAAN NG LASING NA KUMPARE

NATAKOT ang isang traysikel driver matapos itong harangin ng lasing na kumpare sa tulay ng Brgy.  Mobo, Kalibo dakong alas-7:45 ngayong umaga.

Ang hindi na pinangalanang traysikel driver ay isang 38-anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa kanya, papunta siyang Poblacion, Kalibo sakay ang apat na pasahero nang harangin siya ng kumpareng kinilala kay alyas “Bulldog”, residente rin ng naturang lugar at nasa impluwensiya ng nakalalasing na alak.

Sinasabing, sakay ng isang topdown si alyas “Bulldog”at isa pang lalaki ngunit bumama ang mga ito at hinarangan ang nasabing traysikel drayber.

Pinagsabihan umano siya ni Bulldog ng kung anu-anong mga masasamang salita gaya ng “Hara eon katapusan mo, tangis eon”.

Dahil dito, natakot ang biktima para sa kanyang kaligtasan gayundin ng kanyang mga pasahero kaya pinaharurot nito ang dalang traysikel at nagtungo sa Kalibo Municipal Police Station upang ipa-record ang nangyari.

Napag-alaman na pangatlong beses na palang nangyari ang ganitong insidente.