Connect with us

Aklan News

TRIGGER WARNING: Trike driver na tulak na iligal na droga timbog sa buy bust

Published

on

TIMBOG ang isang traysikel drayber sa ikinasang drug buy bust operation ng mga operatiba sa Purok 6. C. Laserna St., Kalibo nitong Miyerkules.

Kinilala ang suspek na si Vincent Villanueva, 36-anyos at residente ng naturang lugar.

Si Villanueva ay nabilhan ng isang sachet ng suspected shabu kapalit ng P20,000 na buy bust money.

Samantala, sa isingawang body search nakuha pa sa suspek ang dagdag na pitong sachet ng suspected shabu at iba pang non drug items.

Mariin namang itinanggi ng suspek na kanya ang mga narekober na iligal na droga.

Ayon sa mga otoridad, si Villanueva ay dating drug surrenderee at muling bumalik sa iligal na aktibidad.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng Kalibo PNP at muling mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.