Connect with us

Aklan News

Truck driver, nabalian ng binti matapos bumangga sa pader

Published

on

BALI ang dalawang binti at may sugat sa ulo ang drayber ng isang trak matapos bumangga sa pader ng paaralan sa barangay Lalab, Batan, Aklan.

Kinilala ni PSSgt. Jessie Laos ng Batan PNP ang biktima na si Jose Militante, 46-anyos ng Iloilo City.

Sugatan naman aniya ang dalawang pahinante nito na pawang mga menor de edad.

Ayon kay PSSgt. Laos, patungo sana sa bayan ng Balete ang nasabing trak upang kumuha ng niyog nang mangyari ang aksidente.

Nanggaling ang mga ito sa barangay Bay-ang upang magkarga din ng mga sako-sakong talaba.

Ngunit nakipag-inuman pa umano ang mga biktima sa isang tindahan sa barangay Bay-ang bago nagdesisyong magtungo ng Balete.

Saad pa ni Laos, pinigilan pa ang mga ito na umalis dahil lasing na subalit nagpumilit pa rin.

Dahil dito, posibleng nawalan na ng kontrol sa pagmamaneho ang drayber kung kaya’t pagdating sa pakurbadang bahagi ng kalsada sa lugar ay aksidente ito bumangga sa pader ng paaralan.

Sa ngayon ay kasalukuyang ginagamot sa ospital ang driver ng naturang trak.