Connect with us

Aklan News

Truck na may kargang asin, nag-overshoot sa Palayan sa Bagto, Lezo

Published

on

NAG-OVERSHOOT sa palayan ang truck na may kargang mga asin sa Bagto, Lezo pasado alas-7 ng gabi nitong Lunes.

Sa panayam ng Radyo Todo sa driver ng truck na si Alwin Oirada, galing umano sila sa Libertad, Antique at pauwi na sana sa kanilang warehouse sa Linabuan Sur, Banga.

Pagdating umano sa nasabing lugar ay may nakasalubong silang motorsiklo na may nakakasilaw na headlight habang tinatahak ang paakyat na bahagi ng kalsadsa.

Dahil dito naalangan ang driver hanggang sa nawalan ng kontrol sa manibela kaya minabuti nalang nito na ihulog sa palayan ang truck.

Wala namang nasugatan sa nangyaring insidente pero labis ang panghihinayang ng may-ari ng mga asin dahil ito lang umano ang kanilang pangkabuhayan.

Samantala nagtulungan naman ang ilang mga residente para maiahon sa palayan ang nasa 280 na sako ng mga asin.