Aklan News
Tulak ng droga sa Boracay, nadakip sa drug buy bust operation


Himas-rehas ngayon ang isang lalaking umano’y nagtutulak ng droga sa isla ng Boracay sa drug buy bust operation ng Malay PNP nitong Martes ng gabi sa Sitio Tambisaan, Brgy. Manocmanoc.
Kinilala ang suspek na si Jonas Abadiano, 29 anyos na tubong Tigbawan, Iloilo.
Nakuha sa kanya ang isang sachet ng pinaniniwalaang droga kapalit ng P1200 na buy bust money at dagdag na isa pang sachet sa body search at isang digital scale.
Ayon kay PLt. Nerbiol, Team Leader ng Malay PNP, medyo mailap ang suspek at Gcash ang ginagamit na mode of payment nito kaya hindi naging madali ang pakikipag transaksyon sa kanya.
Marami aniya ang pinagkukunan ng droga ng suspek sa labas ng Malay, mula sa Roxas at Iloilo.
Ilan umano sa mga parokyano nito ay mga nagtatrabaho sa front beach.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.