Connect with us

Aklan News

Tumataas na bilang ng suicide cases posibleng long term effect ng pandemya – Aklan PHO

Published

on

Photo| Washingtonpost

NAALARMA ang Aklan PNP at Aklan Provincial Health Office sa patuloy na pagtaas ng kaso ng suicide sa probinsya ngayong panahon ng pandemya.

Base sa datos ng Aklan PNP, mula Enero hanggang Agosto nakapagtala na ng 24 na kaso ng suicide sa probinsya, pinakamataas dito ay naitala sa Boracay na kung saan anim na ang nailista mula noong Marso.

Ayon kay Psyche Ruiz, Medical Technologist ng PHO Aklan na nakikita ng World Health Organization na ang suicide ay isa sa mga nagiging long-term effect ng COVID-19 pandemic.

Paliwanag niya, kapag nalulungkot ang tao dati ay maaari silang gumawa ng mga ‘coping strategies’ gaya ng travel goals o pamamasyal kasama ng mga barkada, mag shopping, at iba pa. Hindi gaya ngayong panahon ng pandemic na marami ng mga ipinagbabawal at restrictions.

“We are rot of that coping strategy. Ang mga coping strategies ay biglang nawala”, saad nito kaya isa ito sa mga nagiging dahilan kaya pumapasok ang suicide.

Payo niya sa publiko, “Find someone to open up to” lalo na kapag nakakaramdam na ng matinding kalungkutan o depresyon.

Pananapos niya, bukas ang kanilang tanggapan at ang mga Rural Health Units sa bawat munisipalidad sa kung sino man ang nangangailangan ng kanilang serbisyo.

Sa tuwing Setyembre idinaraos ang national Suicide Prevention Month.

NOTE:
Ang lahat ng problema may solusyon, kung may pinagdadaanan ka at gusto mo ng kausap, maaari kang tumawag sa:
National Center for Mental Health Crisis Hotline (NCMH-USAP) sa 0917-899-USAP (8727) o sa 7-989-USAP (8727).
Hopeline PH 24/7 hotlines:

0917-558-4673 (Globe)
0918-873-4673 (Smart)
2919 (toll-free for Globe and TM)