Connect with us

Aklan News

Tumutulong bubong ng fish and meat section sa Relocation site ng Kalibo Public Market, inirereklamo pa rin ng mga vendors

Published

on

Patuloy pa rin ang panawagan ng mga negosyante lalo na ng mga fish and meat vendors na ayusin na ang bubong sa kanilang pwesto dahil may mga bahagi pa rin na tumutulo ito.

Matatandaang ilang araw pa lang ng paglipat ng mga negosyante sa relocation site ng Kalibo Public Market ay doon din nanalasa ang habagat dahilan nang patuloy na pagbuhos ng ulan.

Dahil dito, nakita agad ng ilang mga vendors ang pagtulo sa ilang bahagi ng bubong na agad nilang ipinaabot sa kinauukulan dahil napupunta sa kanilang pwesto ang buhos ng tubig.

Ayon sa pahayag ng ilang vendors, nitong linggo umano ginawan ng daluyan ng tubig ang una nilang inireklamong bahagi ng bubong.

Ngunit sa kabila nito, mayroon pa rin umanong tumatagas rito at may iba pang bahagi ng bubong ang umano’y tumutulo na rin.

Sa ngayon, nais ng mga ito na ipaabot sa LGU na isaayos ng pulido ang pagkagawa ng bubong para hindi na maapektuhan ang kanilang negosyo at para hindi na rin mahirapan ang mga mamimili.