Connect with us

Aklan News

Turismo ng Kalibo apektado ng pagdami ng international flights sa Caticlan airport

Published

on

PHOTO: https://www.skyscrapercity.com/

Lubos na naapektuhan ang industriya ng turismo sa bayan ng Kalibo dahil sa pagdami ng mga internationall flights sa Caticlan Airport kumpara sa Kalibo International Airport.

Ayon kay Sangguniang Bayan Member Ronald Marte lubos na apektado nito ang mga hotel, sector ng transportasyon at iba pang proyekto sa bayan ng Kalibo.

Aniya pa, maaaring nagti-take advantage lamang sa ngayon ang Caticlan Airport dahil hindi pa natatapos ang mga development project ng Kalibo International Airport.

“Kung istoryahan naton ro aton nga tourism industry, apektado ta ron, tanan ta abi nga sector naga-connect karon eh,” pahayag ni Marte.

Dahil dito ay sinisikap ng lokal na pamahalaan na maibalik sa Kalibo International Airport ang mga international flights sa pag-asang paglago ulit ng ekonomiya ng bayan ng Kalibo.

Nauna rito ay nagpasa na ng resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Kalibo bilang pagsuporta sa resolusyon ng Sannguniang Panlalawigan ng Aklan upang tutulan ang pagbubukas ng mga international flights sa Caticlan Airport./SJM

Continue Reading