Connect with us

Aklan News

TURISMO SA BORACAY, SUMADSAD NANG SIMULAN ANG ‘NCR PLUS’ BUBBLE

Published

on

BUMAGSAK sa 228 ang tourist arrivals sa Boracay Island nang ianunsyo ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang bagong restrictions sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na kabilang sa ‘NCR plus’ bubble.

Ito ay ayon kay Malay Tourism Officer Felix delos Santos.

Mula sa mga lugar na pasok sa NCR plus bubble ang nangunguna sa mga turistang bumibisita sa Boracay mula noong October hanggang Marso.

Pumapangalawa lang dito ang Western Visayas.

Kaya lalo pang sumadsad ang turismo simula nang ilabas ang pinakabagong resolution ng IATF.

Nakapagtala na ang tourism office ng mahigit 15, 000 na arrivals mula Marso 1-15.

Inaasahan nila na aabot sa 20,000 ang arrivals ngayong Marso dahil simula nang payagan ang mas murang saliva test ay hindi na bumababa sa 500 ang turista na pumapasok sa isla kada araw.

Ayon kay delos Santos, target sana nila ang higit 1000 na arrivals hanggang Holy Week.

Pero maraming turista ang nagkansela ng kanilang mga flights papuntang Boracay kasunod ng pagpapatupad ng NCR plus bubble na kung saan bawal ang mga non-essential travels mula March 22 hanggang April 4