Aklan News
TURISTA NA PUMUPUNTA SA BORACAY, PATULOY NA DUMARAMI
(Image|©Jack Jarilla)
Boracay – Patuloy na dumarami ang mga turistang pumupunta sa isla ng Boracay.
Base sa datos na ipinalabas ng Municipal Tourism ng Malay nangunguna ang NCR sa may pinaka maraming turista na pumunta sa isla na may kabuuang 1,760 sumunod dito ang Region 1V-A o ang Calabarzon na may 552 at pangatlo naman ang Region 3 o ang Central Luzon na may 230 mula June 1 hanggang 6.
Samantala may 79 naman na turista ang pumunta sa Boracay galing Region 7 ,31 sa Region VI , 21 sa Region 1 ,15 sa Region V, 6 sa Region 1V-B ,my tig dalawa naman sa Region 8 at Region XI ,walo sa Region XIII tatlo sa Region 3 at 182 Aklanon.
Sa kabuuan may 2,905 na mga turista ang pumunta sa isla sa loob ng 6 na araw.
Maalala na muling pinayagan ng gobyerno ang leisurely travel sa mga lugar na nasa GCQ at MGCQ simula Hunyo 1-15.
Sa ngayon hindi pa rin nakakabangon ang ekonomiya ng pamusong isla ng Boracay dahil sa pandemya.
Patuloy parin ang panawagan ng local na gobyerno na panatilihin ang ipinapatupad na health protocols para maiwasan ang hawaan ng Covid19.