Aklan News
TURISTA SA BORACAY NGAYONG CHRISTMAS SEASON MAS MATAAS NG 85% KUMPARA NOONG NAKARAANG TAON
Lumobo sa 83,226 ang bilang nga mga tourist arrivals sa isla ng Boracay ngayong Holiday season.
Mas mataas ito ng 85% kung ihahambing sa 12, 087 na naitala ng Malay Tourism Office noong nakaraang taon mula Disyembre 1 hanggang 27.
Sa pinakahuling datos ng ahensya, National Capitol Region pa rin ang nangunguna sa may pinakamaraming bilang ng turista na umabot sa nasa 36, 532.
Sinundan ito ng 15, 446 mula sa CALABARZON at 14,967 mula sa Western Visayas.
Patuloy na sa paglobo ang bilang ng mga bumibisita sa isla sa kabila ng naudlot na paghahanda sa pagtanggap ng mga dayuhang turista dahil sa banta ng Omicron variant.
As of December 26, 2021, lima na lang ang natitirang active cases ng COVID-19 sa Aklan at lahat ng mga ito ay naka facility quarantine.