Connect with us

Aklan News

Turn-out ng security plan na inilatag ng Aklan PNP para sa Semana Santa, ‘generally peaceful’

Published

on

IKINATUWA ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang ‘generally peaceful’ na turn-out ng kanilang inilatag na security plan para sa selebrasyon ng Semana Santa ngayong taon.

Ito ang inihayag ni PSSgt. Jane Vega, Public Information Officer ng Aklan PNP sa panayam ng Radyo Todo.

Aniya, may ilang mga insidente lamang na hindi inaasahang nangyari subalit naging maayos naman ito at mabilis na nirespondehan at naaksyunan ng mga awtoridad.

Mas tinutukan ng mga kapulisan ang mga matataong lugar gaya ng simbahan, terminals, pantalan, mga baybayin, mga pilgrimage site at mga tourist destination sa lalawigan.

Kaugnay nito, maituturing naman aniyang isolated case lamang ang nangyaring komosyon sa Barangay Jawili, Tangalan dahil kaagad naman itong nirespondehan ng mga kapulisan na nakadeploy sa naturang lugar.

Dagdag pa ni PSSgt. Vega, nagka-ayos naman umano ang magkapilang panig matapos magkaharap sa Tangalan Police Station.