Connect with us

Aklan News

Umano’y aswang, gumapang sa bubong ng isang boarding house?

Published

on

Nakaramdam ng matinding kaba at takot ang isang babaeng boarder matapos umanong makarinig ng tunog mula sa bubong ng kaniyang boarding house sa Oyotorong St., Brgy. Poblacion, Kalibo dakong alas-3:00 kaninang madaling-araw.

Batay sa report, tumawag umano sa mga kapulisan ang naturang boarder para ireport na umano’y parang may gumagapang sa bubong at hinala nito’y isang aswang.

May nakita pa umanong itim na parang anino ang nagreport kaya’t mas lalo itong natakot.

Para masigurado ang insidente ay agad tumungo ang mga otoridad para imbestigahan ito ngunit pagdating sa lugar ay wala umano silang nakita.

Sa ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano ang gumapang o kung ano ang narinig nitong tunog sa bubong.