Connect with us

Aklan News

UNANG COMMUNITY VACCINATION ROLL-OUT SA BORACAY, NAG UMPISA NA

Published

on

Nagsimula na ngayong araw ang unang araw ng Community Roll-Out ng COVID-19 Vaccination sa Paradise Garden Resort and Hotel sa isla ng Boracay.

Ayon kay RN Arbie Aspiras ng MHO Malay, hindi lang frontliners kundi pati mga senior citizens ang makakatanggap ng bakuna ngayong araw.

Susundan ito ng mga 18-59 years old na may mga co-morbidities na kasama sa Priority Group A3.

Ang co-morbidities ay ang mga sumusunod: Chronic Respiratory Disease, Hypertension, Cardiovascular Disease, Chronic Kidney Disease, Cerebrovascular Accident, Malignancy, Diabetes, Obesity, Neurologic Disease, Tuberculosis, Chronic Respiratory Tract Infection, Immunodeficiency.

Kailangan lang nilang dalhin ang kahit anong patunay na sila ay mayroong co-morbidity gaya ng medical certificate, reseta, at hospital o surgical records.

Pero bago pumunta sa vaccination site, kailangan muna nilang magregister sa LGU Malay Online Registration Portal: https://forms.gle/Hnyy4GV53WzyEf9H9 dahil hindi sila tumatanggap ng walk-in clients.

Dadaan muna ang mga naka-pre-register sa assessment at final screening procedure bago mabakunahan.

Paalala ni Aspiras sa mga magpapabakuna na matulog ng 8 walong oras, iwasan ang alak at sigarilyo bago ang mismong araw ng pagbakuna, mas maigi rin aniya na magdala ng gamot o maintenance ang may mga sakit gaya ng highblood para handa sila sakaling tumaas ang kanilang dugo.

Target ng Malay na mabukahan ang 95% ng populasyon sa isla na nasa 15,000.