Connect with us

Aklan News

Unang Inter-Agency Coordinating Conference para sa Atifest 2023 isinagawa

Published

on

PHOTO: Aklan Police Provincial Office/Facebook

Nagasagawa ng kauna-unahang Inter-Agency Coordinating Conference for Atifest 2023 ang Aklan Police Provincial Office (APPO), Local Government Units Festival Organizing Committees at iba pang ahensya para sa paghahanda sa seguridad ng Ati-Atihan Festival 2023.

Ayon kay SB member Ronald Marte, marami ang napag-usapan sa naganap na pulong at kasama na dito ang augmentation ng mga pulis.

Aniya aabot sa humigit kumulang 1300 na mga pulis ang kailangan para masiguro ang kaligtasan ng mga debotong dadalo sa Ati-atihan.

Maglalagay ng mga checkpoints at magdi-deploy rin ng mga MDRRMO personnels sa festival zone.

Nabanggit din ang pag shutdown ng cellphone signal, ang pag-identify ng mga magpapalipad ng drone at ang pag-isyu ng car pass.

Pinaplansta na rin aniya ang mga ruta na pansamanalang daraanan ng mga sasakyan sa isang linggong Atifest.