Connect with us

Aklan News

UPDATE: Missing na mga mangingisda sa Nabas, Ligtas na

Published

on

Nabas – Ligtas na nakauwi sa Brgy. Buenasuerte, Nabas ang mag live-in partner na naabutan ng bagyo habang nangingisda kahapon.

Mga alas 11 kaninang umaga nakauwi ang mag live-in partner.

Ayon kay Roiland Estoya, naubusan ng gasolina ang motorbanca na kanilang sinasakyan dahilan upang hindi sila nakasamang nakauwi sa mga kasamahan nilang mangingisda kahapon.

Inanod umano sila sa parti ng Sibuyan sa kasagsagan ng pagbayo ng masamang panahon at ng medyo humupa na sinikap nila ng kanyang live-in partner na si Aiza Bautista na gumamit ng sagwan para makalapit sa nakita nilang balsa.

Doon na umano sila inabutan ng gabi at kanina mga alas 10 ng umaga nailigtas sila ng mga mangingisda na taga brgy. Navitas, Numancia.

Humingi umano sila ng tulong sa mga ito na mahila ang kanilang bangka palapit sa baybayin ng Nabas ngunit ang coastguard na umano ang nagdala sa kanila sa dalampasigan ng makasalubong nila ito sa dagat para rin sana na irescue sila.

Maaalala na anim na mangingisda ang naunang naiulat na ‘missing’ kahapon ng umaga.

Ito ay sina Russel Valeriano, 46 anyos; Renato Ablen, 15 anyos; Eugen Borris, 26 anyos, at Allan Paroginog, lahat ng Alimbo, Baybay, Nabas, at ang mag-live in partner na sina Roiland Estoya, at Aiza Bautista, ng Buenasuerte, Nabas.

Nabatid na nasiraan umano ng bangka sina Valeriano kung kaya’t nagpatulong ang mga ito kay Paroginog hanggang magkahiwalay sila bandang alas 11:00 ng tanghali kahapon.

Suwerte namang naayos ni Valerio ang kanilang bangka kung kaya’t mapalad silang nakabalik nina Ablen at Borris bandang alas 5:00 kahapon ng hapon, habang kaninang umaga ligtas din na nkauwi si Paroginog.