Aklan News
VACCINATION SA BORACAY, NAHINTO DAHIL NAGPOSITIVE SA COVID ANG MGA HEALTH WORKERS

Pansamantala munang itinigil ang vaccination roll-out sa Boracay island makaraang magpositibo sa COVID-19 ang 7 mga health care workers ng Municipal Health Office (MHO).
Sinabi ni Malay Mayor Frolibar Bautista sa panayam ng Radyo Todo na kailangan munang magsara ng MHO para bigyang daan ang disinfection sa mga opisina.
Bago makansela ang roll-out, 416 na mga senior citizens at frontliners ang nabakunahan ng first dose mula sa mga barangay ng Balabag, Manocmanoc at Yapak.
Kasalukuyang nasa 28 ang mga active cases ng COVID-19 sa Malay batay sa pinakahuling datos ng Malay Inter-Agency Task Force Against COVID-19.
Continue Reading