Aklan News
VACCINE ROLL OUT SA MGA SENIOR CITIZENS SA LALAWIGAN NG AKLAN, SINIMULAN NA
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2021/05/images-20.jpeg)
Nagpapatuloy na ngayon ang COVID-19 vaccination roll out para sa mga Aklanon senior citizens na nabibilang sa A2 priority list ng gobyerno.
Lagpas na sa 70% ang mga frontline workers na nabakunahan sa Aklan kaya nagsimula na rin ang mga LGUs ng roll out sa mga senior citizens ayon sa panayam ng Radyo Todo kay Dr. Cornelio Cuachon ng Aklan Provincial Health Office.
Batay sa masterlist, may 11, 819 na mga indibidwal na pasok sa A1 sa probinsya.
Natapos na aniyang mabakunahan ng first dose ng Sinovac ang 8842 medical frontliners sa A1 habang 3235 naman ang mga nakumpleto na ang una at pangalawang dose ng Sinovac.
Umabot naman sa 564 ang mga nainiksyunan ng unang dose ng Aztrazeneca na naghihintay pa ng 10-12 week na interval bago makatanggap ng ikalawang dose.
Samantala, target ngayon na mabakunahan sa A2 priority list ang 53, 596 na mga senior citizens.
Ayon sa datos ng Regional Vaccination Operation Center as of May 13, 816 palang ang mga senior citizens na tapos nang mainiksyunan ng unang dose ng Sinovac.
Muling namang nag-apela si Cuachon sa publiko na magparegister na at magpabakuna para maabot na ng bansa ang herd immunity.