Connect with us

Aklan News

Van driver na paakyat na sana ng sasakyan, nasagi ng tricycle

Published

on

Nagtamo ng sugat sa kaliwang bahagi ng ulo at iba pang bahagi ng katawan ang isang van driver na nasagi ng isang tricycle sa bahagi ng N. Roldan St., Kalibo ngayong umaga.

Napag-alaman na 47-anyos ang biktima na residente ng Brgy. Andagao, Kalibo habang 30-anyos naman na residente ng Brgy. Tinigao ang tricycle driver.

Sa panayam sa tricycle driver, mula umano siya sa Roxas Ave. at papasok na sana sa N. Roldan St. nang aksidente nitong masagi ang naturang biktima.

Samantala, ayon naman sa van driver ipaparada niya sana ang van sa terminal at pasakay na siya nang mangyari ang aksidente.

Tumama ang ulo nito sa may bubong ng sidecar dahilan ng pagtamo nito ng sugat at natumba pa rason para magtamo ng ibang galos sa katawan na binigyan rin ng paunang lunas ng BFP Rescuers.

Sa ngayon ay parehong nasa Kalibo Municipal Police Station ang mga sangkot para sa karampatang disposisyon.

via Rhealyn Ortega

Continue Reading