Connect with us

Aklan News

Van driver tiklo sa drug buy bust ops sa bayan ng Kalibo

Published

on

File Photo/Radyo Todo Aklan

TIMBOG ang isang van driver matapos na mahulihan ng iligal na droga sa drug buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit-Aklan (PDEU) at Kalibo PNP sa Villa Emillia Subd., Estancia, Kalibo nitong Biyernes.

Kinilala ang suspek na si Daniel Alayon Jr, 36-anyos na residente ng Roxas City, Capiz.

Nabilhan ang suspek ng isang sachet ng shabu kapalit ng ₱3,000 na buy-bust money.

Narekober naman ang 1 dagdag na sachet ng shabu na nakalagay sa lalagyan ng eyeglasses at 20 na sachet naman ang nakabalot ng facemask at nakapaloob sa isang supot.

Sa pahayag  ni PMaj. Frensy Andrade, Chief ng PDEU-Aklan, inaasahan na nila na maraming dalang droga si Alayon dahil isa itong van driver at posible umanong sa Capiz nito kinukuha ang mga iligal na droga.

Posible din aniya na kapwa van driver ang kaniyang mga parokyano.

Ayon pa kay Andrade, nakikipag-ugnayan na ang mga otoridad sa Land Transportation Office(LTO) para maisailalim sa random Drugtest ang mga van drivers.

Nasa kustodiya na ng Kalibo PNP ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”