Connect with us

Aklan News

VAN INARARO ANG ISANG BAHAY, PASAHERO AT DRIVER, SUGATAN

Published

on

Kapwa sugatan ang driver at pasahero ng van matapos aksidenteng bumangga sa isang bahay sa Mambog, Banga alas 7:40 kaninang umaga.

Nakilala ang mga biktimang sina Rech Boy Vargas, 32 anyos ng Bakhaw, Mandurriao, Iloilo na driver ng van, at ang pasahero nitong si Jennifer Cagayle, 38 anyos ng Calinog, Iloilo.

Base sa inisyal na imbestigayon ng pulis, galing Caticlan, Malay papuntang Iloilo ang van nang mangyari ang insidente.

Madulas kasi ang kalsada dahil sa nararanasang pag-ulan, dahilan na umikot ito at bumangga sa bakod at bahay doon, bago muling bumangga sa isang sementadong bakod.

Resulta, naipit sa unahang bahagi ng sasakyan ang biktimang babae na nagdulot ng pinsala sa kanyang kanang paa at noo, habang minor injuries lamang ang tinamo ng driver.

Kapwa sila dinala sa ospital para gamutin, habang naka impound sa Banga PNP ang nasabing van.