Connect with us

Aklan News

Vendo machine ng car wash niransak, mga perang laman nasimot

Published

on

Nasimot ng hindi pa nakikilalang kawatan ang mga baryang laman ng isang car wash vendo machine sa bahagi ng N.Roldan Ext., Poblacion, Kalibo.

Kwento ng may-ari na si alyas “Jun”, dakong alas-6:30 kaninang umaga nang pumunta sila sa kanilang pwesto at doon nila nadiskubreng niransak na ang naturang vendo.

Putol ang dalawang kandado ng kahon na lalagyan ng vendo machine habang simot rin ang halos P1,000 na laman nito na dalawang linggo nang hindi nakukuha.

Hinala ng may-ari na posibleng inangat ng kawatan ang kawayang nagsisilbing gate ng pwesto para makapasok.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan at paghahanap ng mga kopya ng cctv sa lugar para malaman kung sino ang may kagagawan ng naturang insidente.

Napag-alaman na walang tao kagabi sa bahay na nakakonekta sa naturang pwesto kaya’t walang nakapansin sa nangyari.