Aklan News
VENDORS NA NASUNUGAN, PINAYAGAN NA PANSAMANTALANG MAGBENTA SA KALSADA
Kalibo, Aklan – Binigyan ng tatlong buwan ang mga vendors na nasunugan sa Kalibo Public Market na pansamantalang magbenta sa half lane ng Toting Reyes St.
Ayon kay Kalibo Public Market Administrator Abel Policarpio, aprubado nas ng Sangguniang Panlalawigan at ni Gov. Florencio Miraflores ang resolusyon ng sangguniang bayan ng Kalibo ukol dito.
Gayunpaman, bago anya matapos ang 3 buwan ay dapat na maayos na ang relocation site.
Aabutin pa umano ng 18 na buwan hanggang 2 taon ang paggagawa o pagsasaayos ng nasunog na Kalibo Public Market kaya’t kinakailangan muna nilang manatili sa gagawing relocation site.
Kaugnay nito, nakabalik na umano ang ibang mga stall vendors sa kanilang pagnenegosyo.
Patuloy na rin ani Policarpio ang kanilang pagsasagawa ng clearing operation sa mga basurang iniwan ng sunog na lumilikha ng hindi kaaya-ayang amoy sa tindahan.
Magsisimula na silang gumawa ng pansamantalang stalls sa susunod na linggo.