Aklan News
VG QUIMPO MULING PINABULAANAN NA TINUTUTULAN NILA ANG MGA DEVELOPMENT SA BAYAN NG KALIBO
Mariing pinabulaanan ni Aklan Vice Gov. Reynaldo “Boy” Quimpo na tinututulan nila ang mga development project sa bayan ng Kalibo katulad ng pagpapatayo ng bago at modernong public market.
Ayon kay VG Quimpo na hindi puwede ang ninanais ng LGU-Kalibo na relocation site sa barangay Andagao dahil ang nasabing lote ay may problema pa.
“So, indi puwede matabo, matigayon ro anda ngaron nga Andagao, abo pat-a nga problema ruyon nga lote”, pahayag ni VG Quimpo.
Pagdidiin ni Vice Gov. Quimpo, na ang kabiguan at kakulangan sa nasabing proyekto ay dahil sa lokal na pamahalaan at hindi sa Sangguniang Panlalawigan.
“…ro kapaltahan, kakueangan, hay una ta sa LGU-Kalibo”, dagdag pa ni bise-gobernador.
Ipinaliwanag ng bise-gobernador na ang nasabing lote ay nasa klasipikasyong agrikultura at sa ilalim ng isang agricultural free patents na inisyu lamang ng national government noong Nobyembre 2020.
At dahil ito ay isang agricultural, hindi ito puwedeng gamitin sa ibang bagay maliban na lang kung ito’y ma-reclassify at ma-convert bilang commercial at institutional.
“Since agricultural da, indi ra magamit sa ibang bagay, other than agricultural… unless ma-reclassify ag ma-convert,” saad ni Quimpo.
Hanggang ngayon aniya ay wala pang nangyayaring re-classification para sa nasabing lote.
Dagdag pa ni Quimpo na ang re-classification nito ay dapat inisyatibo na nagmumula sa executive department papuntang Sangguniang Bayan.
Ipinahayag din ni Vice-Governor na ang nasabing lote ay nabili Mr. Mel Robles noong 2018 sa halagang 1,365 per sq. meter at noong 2019 ay inalok niya sa LGU-Kalibo ang 5,359 sq. meter sa halagang P10,000 pesos per sq. meters.
Bakit aniya ipinipilit pa ng lokal na pamahalaan ang pagbili ng nasabing lote kahit na alam nila ang naturang sitwasyon at problema.
Binigyan-diin ni Quimpo na may karapatan siyang magbigay-komento at reaksyon hinggil dito dahil siya ay isang Kalibonhon at ito’y tinatawag na people’s participation sa gobyerno.