Aklan News
VICE MAYOR, KONSEHAL NAGBABALA SA GUMAGAMIT NG KANILANG PANGALAN PARA MAKAPANLOKO


Gamit ang tanggapan ni konsehal Moreno Gonzaga, pitong estudyante ang naloko umano ng hindi pa nakikilalang suspek.
Salaysay ng konsehal sa kanyang privilege speech sa regular session ng konseho, sumugod ang pitong mga estudyante sa kanyang tanggapan matapos silang pangakuan na bibigyan ng pera.
Mariin namang pinabulaanan ng konsehal na may kinalaman siya at ang kaniyang tanggapan sa nasabing insidente.
Aniya, nagpakilalang sekretarya ang tumawag sa mga estudyante. Pinapupunta umano sila sa tanggapan ng konsehal para kunin ang tseke na nagkakahalaga ng Php3,000 para sa bawat isa sa kanila.
Naniniwala siya na nasa loob lang din ng City Hall. Pero hindi pa malinaw sa kaniya kung ano ang intensiyon ng nasa likod ng modus.
Nagbabala siya sa gumagawa nito na itigil na ang nasabing gawain.
Nagpahayag rin si Vice Mayor Erwin Sicad na pati siya ay nabiktima rin ng nasabing panloloko kung saan ginamit ang kaniyang pangalan sa pagpapaload, order sa restaurant at maging sa hotel.
Nanawagan naman ang mga opisyal sa taumbayan na maging mapagmatyag sa ganitong modus