Aklan News
Vikings itinanghal na kampeon sa Makato Sr. Sto. Niño Ati-Atihan 2024


MULING nasungkit ng tribung Vikings ng Brgy. Dumga ang kampeonato sa Tribal Category ng Makato Sr. Sto Niño Ati-Atihan Festival 2024.
Inuwi ng Vikings ang P70,000 na premyo bilang kampeon.
Kaugnay nito, pumangalawa naman sa kanila ang Maharlika na may P55,000 na premyo at sinundan ng Pangawasan Tribe na nag-uwi ng P45,000.
Wagi rin bilang kampeon sa Modern Ati Category ang Atras Abante, na sinundan ng La Promesa at MIS Tribu Kalipayan.
Samantala sa Balik Ati Category, nanguna naman ang Sinikway nga Ati laban sa dating kampeon na Salimono Tribe habang pumangatlo naman ang Apo ni Inday.
Kung matatandaan, Vikings rin ang nagwagi sa nagdaang Makato Ati-Atihan Festival at maging sa Kalibo Sr. Sto Niño Ati-Atihan Festival kung saan sila ang nag-uwi ng tumataginting na isang milyong premyo./MAS
Continue Reading