Aklan News
Vlogger na nagbebenta ng malalaswang video ng mga menor de edad online, arestado sa entrapment sa Malay
Nalambat ng mga kapulisan sa entrapment operation ang isang vlogger na umano’y nagre-recruit ng mga menor de edad bilang prostitutes at nagbebenta ng mga malalaswang video online.
Batay sa Malay PNP, nakatanggap sila ng impormasyon na nagbebenta ng mga malalaswang video sa mga online dating apps at socmed sites ang 34 anyos na suspek na taga Brgy Yapak, Malay.
Nasagip sa entrapment nitong Martes ang dalawang lalaking menor de edad na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking at pang-aabusong sekswal.
Narekober din sa operasyon ang isang cellphone, perang P396, dalawang condom, mga ID at iba pa.
Ikinustodiya ang suspek sa Malay Municipal Police Station at mahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9208 “Anti-Trafficking in Persons Act” na inamyendahan ng RA 11862 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 na walang piyansa at may parusang habang buhay na pagkakakulong.