Connect with us

Aklan News

VM Dela Cruz, may halong lungkot at saya sa resulta ng Community Based Monitoring System

Published

on

Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ni Vice Mayor Cynthia Dela Cruz sa naging resulta ng Community Based Monitoring System na isinagawa sa bayan ng Kalibo.

Sa panayam ng Radyo Todo sa bise alkalde sinabi niya na masusing ginawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) ng mahigit isang taon ang survey at ginastusan ng milyon ng pamahalaan.

“This is a very powerful data for the executive, for the policy makers, for the barangay kapitan and even sa business,” saad nito.

Lumalabas umano sa datos na may ilang porsyento ng pamilya ang wala pang internet, walang CR at nakaranas na hindi makakain dahil sa hirap ng buhay.

“I’m both happy and sad nga may una pa sa percentage nga may uwa pat trabaho, uwa gaeskwela,” pahayag ni Dela Cruz.

Bagamat nalungkot sa resulta ng CBMS at sinabi nito na malaki ang maitutulong ng mga datos na nakalap para maabot at mabigyan ng tulong ang mga higit na nangangailangan.

Magagamit umano ito sa barangay planning, annual planning, budgeting at pag-prioritize sa mga barangay na nangangailangan ng tulong.

Hinikayat rin ng bise alkalde ang ibang mga munisipalidad sa lalawigan na magsagawa rin ng CMBS dahil malaki ang maitutulong ng mga datos mula rito sa pagtatag ng mga programa at pagbuo ng mga resolusyon na mapapakinabangan ng mga mamamamayan.