Connect with us

Aklan News

VM Ramon Legaspi, nanumpa na bilang mayor ng Makato

Published

on

Pormal nang nanumpa bilang mayor ng bayan ng Makato si Vice Mayor Ramon Anselmo Legaspi III para punan ang nabakanteng posisyon ni Mayor Abencio Torres.

Kasunod ito ng pagpanaw ng alkalde sa edad na 74 nitong Sabado, Mayo 28, 2022.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni Legaspi na tumawag sa kanya ang Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) ng Makato para sabihin na kailangan na niyang manumpa dahil hindi maaaring mabakante ang posisyon na naiwan ng alkalde.

Kaya naman, dakong alas-2 kahapon ay nanumpa sila ni SB member Nilo Amboboyog na magsisilbi ring acting vice mayor ng Makato.

Nilinaw ni Legaspi na ang naganap na panunumpa ay para lang sa nabakanteng posisyon at hindi para sa pormal na pag-upo niya bilang mayor elect ng bayan.

Kaugnay nito, posible raw na si first councilor Langkoy Mationg ang papalit sa puwestong maiiwan ni vice mayor elect Torres.

May sagot din siya para sa mga nagsasabi na atat siya na umupo sa puwesto, “Personally mat-a kakon hay bukon it doesn’t matter kung acting mayor o mayor mat-a importante hay mapadaeagan naton ro banwa ngara hasta sa June 30, indi baea mapabay-an ro bakante nga slot.”