Connect with us

Aklan News

VP Sara Duterte, nagpasalamat sa mga Aklanon na sumuporta at bumoto sa kanya

Published

on

Nagpaabot ng pagpapasalamat si Vice President Sara Duterte-Carpio sa mga Aklanon na sumuporta at bumoto sa kanya sa nagdaang eleksyon.

Personal na hiningi ni VP Sara ang okasyon na ginanap kaninang umaga sa Aklan Training Center para pasalamatan ang mga tumulong sa kanya sa kampanya.

Aniya, batay sa survey na ginawa ng kanilang campaign team, hindi mananalo ang mga Duterte sa Panay Island kaya nagsuhestyon ang mga ito na mag-focus na lang sa mga lugar na may mas maraming botante at pagkakataong manalo.

“Gumawa yung team namin sa Lakas CMD ng napakalaking survey, it’s never been done before but I really asked them if we can do it and they made it happen. It was a nationwide survey, malaki ang sampling niya.

“And doon nakita ng team, sinasabi nila na parang just let go of Panay Island, because you see the numbers are not doing very well and historically, natatalo talaga kayo diyan. From 2016 to 2019, natatalo kayo diyan, so what we will do is focus on the areas kung saan marami tayong makukuha na boto,” pahayag nito.

“So that is what I followed, that is what I did, but surprisingly, although natulog ako nung gabing iyon during the counting kasi hindi ko kinakaya yung stress sa counting ng votes.

“Natulog ako and then pag gising ko the next morning nakita ko, I was truly surprised na we won 3 provinces in Panay Island and dahil yun sa tulong ninyong lahat sa akin,” dagdag pa niya.

Nakakuha si VP Duterte ng 140,172 votes o 42.97% sa Aklan noong nakaraang halalan kun saan umabanse siya ng 48,507 sa pumangalawa.

Kasalukuyang nasa Aklan si VP Duterte na dumalo sa Ati-ati sa Ibahay ngayong araw at inaasahan din sya sa awarding ceremony ng Aklan’s Ten Outstanding Mentors (ATOM) na gaganapin bukas, Enero 21 sa Augusto B. Legaspi Sports and Cultural Complex.