Aklan News
‘Wag mag inarte kung may bakuna – SB member Augusto Tolentino


Hindi na dapat mag inarte pa ang mga Kalibohon kapag dumating na ang libreng bakuna ayon kay Sangguniang Bayan Member Augusto Tolentino.
Sinabi ni Tolentino na hindi mandatory ang pagpapabakuna at hindi naman pipilitin ang mga ayaw pero dapat aniya na huwag nang mag inarte pa ang mga Kalibonhon dahil para naman ito sa kanilang proteksyon.
“Ayaw kita it inarte iya sa Kalibo, kung may bakuna, atun da nga sundon ay daya proteksyon katon sa COVID-19,” sabi ng konsehal.
Inilahad pa nito na bukas rin na magpabakuna ang mga kilala at maimpluwensyang tao gaya nina Queen Elizabeth ng England, Prince Philip, Singapore prime minister at maging ang ating presidente.
Kaugnay nito, inaprubahan na ni Mayor Emerson Lachica ang kanyang inihaing resolusyon hinggil sa tripartite agreement ng LGU Kalibo, national government at pharmaceutical company na AstraZeneca para sa pagbili ng COVID-19 vaccine.
Naglaan ng P50 milyong pondo ang LGU Kalibo para sa bakuna na ipapamahagi sa 84,000 populasyon sa Kalibo.