Aklan News
Waiter sa isla ng Boracay timbog sa buy bust operation, 17 sachet ng shabu narekober
17 sachets ng mga shabu ang narekober sa isang waiter sa isla ng Boracay matapos itong matimbog ng mga otoridad sa drug buy bust operation sa may Osmeña Ave., Estancia sa bayan ng Kalibo nitong Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Kenneth Dela, 26-anyos na residente ng Brgy. Baybay, Roxas City sa probinsya ng Capiz.
Narekober sa posisyon ni Dela ang isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang P6000 na buy bust money.
Samantala, nakuhaan pa ng dagdag na 16 sachets ng mga shabu ang suspek na nakalagay naman sa maliit na box.
Batay sa PDEU, tinatayang aabot sa P50,000 ang kabuuang halaga ng mga shabu na nakuha sa suspek.
Dagdag pa rito, pinaniniwalaang mula sa Probinsya ng Capiz ang mga ibinebenta nitong illegal na droga at halos dalawang linggo na itong under surveillance ng PDEU.
Kaugnay nito, natuklasan din na halos linggo-linggo umanong may katransaksyon ang nasabing suspek sa probinsya ng Aklan lalo na sa isla ng Boracay.
Sa ngayon ay nasa kostudiya ng Kalibo PNP si Dela habang hinihintay ang resulta ng kaniyang drugtest.
Samantala, mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.