Aklan News
WALANG CURFEW SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON


Pansamantalang ititigil ang pagpapatupad ng curfew sa Kalibo sa ika-24 at 31 ng Disyembre, 2021 ayon sa Executive Order (EO) No. 094 Series of 2021 na ipinalabas ni Kalibo Mayor Emerson Lachica.
Ito ay bilang tugon sa Resolution No. 017 na inaprubahan ng Municipal Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na naglalayong bigyang konsiderasyon ang mga nagnanais na ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon.
Binigyang-diin sa Executive Order na ito na otomatikong ibabalik ang implementasyon ng curfew sa mga araw na hindi saklaw ng naturang EO.
Continue Reading