Aklan News
WALANG KASALANAN: Mga empleyado ng PENRO Aklan, pinawalang sala ng CA
PINAWALANG SALA ng Court of Appeals ang limang empleyado ng Aklan Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) na tinanggal sa serbisyo ng Ombudsman dahil sa kasong korapsyon.
Ito ay sina dating PENRO Chief Ivene Reyes, CENRO Boracay Jonne Adaniel, Alvaro Nonan, Nilo Subong at Cesar Guarino.
Ang mga ito ay kinasuhan ni Lucia Malicse-Hilaria sa Ombudsman dahil diumano sa maling classification ng kanyang lupa at hiningian sya ng pera.
Nauna nang nagdesisyon ang Ombudsman Visayas noong August 25, 2017 ng guilty at nagpataw ng penalidad na dismissal sa serbisyo ng nasabing mga empleyado.
Nag apila sila sa Court of Appeals kung saan naglabas ng decision ang CA noong September 28, 2018 kung saan tinuloy nila ang dismissal nina Adaniel, Nonan, Subong at Guarino habang napawalang sala naman si PENRO Reyes.
Nagsampa ng Motion for Reconsideration ang apat ay ganun din ang complainant laban sa aquittal ni Reyes.
Nitong January 15 ay naglabas ng Amended Decision ang Special Former Twentieth Division kung saan ayon sa kanila ay walang substantial evidence na susuporta sa akusasyon ni Hilaria na nagconspired ang mga empleyado para hingian sya ng pera kapalit ng reclassification ng kanyang lupa na Timberland at gawing Alienable and Disposable.
Dahil dito ay pinanigan nina Associate Justices Dorothy Montejo-Gonzaga, Pamela Ann Abella Maximo at Carlito Calpatura ang apela nina Adaniel, Nonan, Subong at Guarino at binasura naman ang MR ni Hilaria laban kay Reyes.
Malaking pasalamat nila sa decision na ito at sa Panginoon na kanilang kinapitan sa loob ng 28 buwan na wala silang trabaho at masama na ang naging tingin sa kanila ng tao.
Nagpasalamat din sila sa mga taong patuloy na naniwala sa kanila na malalampsan nila ang kasong ito.
Sa ngayon ay pinoproseso na nila ang kanilang pagbabalik sa trabaho at ang pagtanggap ng kanilang mga hindi nakuhang sweldo.