Aklan News
WALANG LOCKDOWN SA AKLAN
Kalibo, Aklan- Pinabulaanan ni Aklan Anti Covid 19 Task Force Spokesperson Dr. Cornelio Cuachon ang mga kumakalat na text at social media messages na magkakaroon ng LOCKDOWN sa Aklan.
Sa panayam ng Radyo Todo, nilinaw ni Dr. Cuachon na napagkasunduan sa meeting na Provincial Community Quarantine lang ang kanilang ipatutupad kung saan magkakaroon ng restrictions sa borders ng Aklan sa mga manggagaling sa ibang probinsya lalo na sa mga lugar na may Covid 19 positive.
Sa ilalim ng quarantine, maaring lumabas sa komunidad ang mga tao, magtungo sa ibang brgy at ibang bayan ng Aklan.
Ang ibig sabihin ng lockdown ay hindi na pwedeng lumabas ng bahay.
Ang effectivity ng quarantine ay dedepende pa sa ilalabas ng bagong Executive Order ni Governor Joeben Miraflores kasama na ang Implementing guidelines nito.