Connect with us

Aklan News

Walang lockdown sa Kalibo – Mayor Lachica

Published

on

NILINAW ni Kalibo Mayor Emerson Lachica na hindi pa sila nakapagdesisyon ukol sa pag-lockdown ng Kalibo.

Ito ay matapos na ikumpirma ng Aklan Provincial Health Office (Aklan PHO) kahapon ang unang kaso ng local transmission sa probinsya.

Nabatid na taga Kalibo ang lahat ng 7 laboratory personnel ng Aklan Provincial Hospital na nagpositibo sa sakit at nahanay sa local transmission.

Maliban dito, kapwa mga taga Kalibo rin ang suspected COVID-19 case na inilibing sa Kalibo Municipal Cemetery makaraang mamatay nitong Martes at ang isa pang binawian ng buhay nitong Miyerkoles na dinala sa crematorium sa Iloilo.

Napag-alaman na naka-isolate na ang pamilya ng mga lab personnel na nagpositibo sa sakit at pati na rin ang pamilya ng mga namatay na suspected case.

Ayon kay Lachica, hinihintay pa niya na ang magiging resulta ng pagpupulong mamaya ng mga punong barangay bago magdesisyon ukol sa lockdown.

Inaasahang magpapalabas ang alkalde ng emergency executive order ukol dito.