Connect with us

Aklan News

Walang maintenance na air conditioning unit, baradong toilet bowl at maduming cr sa DRSTMH, inirereklamo ng ilang mga pasyente

Published

on

NAGPA-ABOT ng reklamo sa Radyo Todo ang ilang pasyente at kanilang mga bantay sa umano’y kawalan ng maayos na pasilidad sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH) sa Kalibo, partikular na ang halos walang maintenance na air conditioning unit, baradong toilet bowl, butas na balde, madumi at kawalan ng trash can sa mga comfort rooms.

 

Sa isang abisong nakapaskil malapit sa air conditioning unit, makikitang limitado ang operasyon ng aircon mula 7:00 AM hanggang 5:00 PM lamang, habang ang mga electric fan naman ay pinapagamit mula 6:00 PM hanggang 7:00 AM — indikasyong kulang ang pasilidad at resources ng ospital.

 

Ayon sa ilang pasyente, lubhang nakakabahala ang kalagayan ng mga silid lalo na’t may mga pasyenteng matanda, bata, at may malalang sakit.

 

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang Radyo Todo News Team sa pamunuan ng DRSTMH upang makuha ang kanilang panig ukol sa isyu.