Connect with us

Aklan News

WALANG-PATID NA TAAS–PRESYO SA PETROLYO, PAPASANIN NA LAMANG NG MGA TRAYSIKEL DRAYBER SA KALIBO

Published

on

PAPASANIN na lamang ng mga traysikel drayber ang walang-patid na taas-presyo sa petrolyo upang hindi na lubusang maapektuhan ang mga commuters.

Sa panayam Radyo Todo kay Johnny Damian, presidente ng Federation of Kalibo Tricycle Operators and Drivers Association Inc. (FOKTODAI), tinawag nitong “very alarming” ang serye ng taas-presyo ng petrolyo sa merkado.

Aniya, kahit sila ay nagulat sa labis na pagtaas ng presyo ng gasolina kung saan pabigat para sa kanilang mga draybers at operators.

“Very oppressive para sa part namon nga mga traysikel driver ag kami hay naga-depend or nagasalig malang sa gasolina. Syempre, kung owa’t gasolina ro amon nga traysikel hay indi man kami makahimo it pagpamasada,” pahayag ni Damian.

Dahil dito, nagsasagawa na aniya ng mga consultation meeting ang Sangguniang Bayan at mga TODA sa bayan ng Kalibo upang mabigyan tugon ang nasabing problema.

Saad pa ni Damian, hindi pa sila makapagsagawa sa ngayon ng fare adjustment dahil sa pabago-bagong presyo ng petrolyo sa merkado.

“Kasi medyo flexible imaw, makaron eain, hin-aga, sa madason nga semana eain ro presyo. That is why nga indi kami maka-come up sa sangka desisyon kung ano ro amon nga himuon,” dagdag pa nito.

Pahayag pa ni FOKTODAI president na hihintayin nila ang peak o kung hanggang saan titigil ang pagtaaa ng presyo ng gasolina at saka na lamang sila gumawa ng aksyon.

Ito’y dahil inaasahan nilang bababa ang presyo nito sa susunod na buwan at mahirap ang gumawa ng ordinansa gayundin ang magkaroon ng adjustment sa kanilang taripa.