Connect with us

Aklan News

Wallet na may lamang P73K na pekeng pera, nakita ng isang utility staff sa capitol ground

Published

on

ISINURENDER ng miyembro Provincial Capitol Security Guard (PCSG) ang isang wallet na naglalaman ng P73,000 na halaga ng pekeng pera sa mga otiridad nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa ulat, habang nagro-roving sa capitol ground ang isang utility staff ng kapitolyo ay nakita niya sa isang kubo ang brown wallet at vape na nakapatong sa mesa.

Agad itong kinuha ng utility staff at ipinagbigay alam sa provincial guard.

Nang kanilang tingnan, tumambad sa kanilang ang nasa P73K na pekeng pera at P506 na totoong pera.

Kaagad nila itong isinurender sa Kalibo PNP para sa karampatang disposisyon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kung sino ang may-ari ng nasabing wallet at pera.