Connect with us

Aklan News

Walong babuyan sa Andagao, ipinasara ng LGU Kalibo

Published

on

Walong piggery o pigpens sa bayan ng Kalibo ang ipinasara ng pamahalaang lokal ngayong Martes ng umaga.

Pinuntahan ng Joint Inspection Team ng LGU Kalibo sa pangunguna ni Kalibo Mayor Juris Sucro ang mga babuyan sa Andagao, Kalibo na inisyuhan ng closure order.

Kinumpirma mismo ng alkalde na umabot sa walong babuyan ang inisyuhan ng closure order dahil sa paglabag sa Municipal Ordinance No. 2011-17 o Sanitation Code.

Ipinag-utos rin ng alkalde na i-pull out ang mga baboy at dalhin sa slaughter house.

Napag-alaman na inirereklamo ng mga kapitbahay ang mga babuyan dahil sa perwisyo at hindi kaaya-ayang amoy na nagmumula sa mga ito na maaring magdulot ng hindi maganda sa kalusugan.

Matagal na umanong may closure order ang ilan sa mga babuyan pero hindi ito naipatupad sa mga nagdaang taon.