Aklan News
WANTED DAHIL SA PAGLABAG SA CHAINSAW LAW OF 2002, ARESTADO
Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang isang lalaking wanted sa kasong paglabag sa RA 9175 o Chainsaw Law of 2002 sa Poblacion, Malinao.
Nakilala ang akusadong si Conrad Mahinay, sa legal na edad, na taga Dangcalan, Malinao.
Ayon sa Malinao PNP, naispatan kahapon sa Poblacion, Malinao si Mahinay kung saan isinilbi sa kanya ang kanyang Warrant of Arrest na may Criminal Case No.2455-I na ibinaba naman ni Hon.Maribel De Leon De Guia, Presiding Judge MCTC Ibajay-Nabas nito lamang nakaraang Martes, September 21, 2021.
Matapos isailalim sa booking procedure, kaagad namang dinala sa Ibajay-Nabas MCTC si Mahinay para sa karampatang disposisyon.
Agad din na nakalaya si Mahinay makaraang makapag piyansa ng P36, 000.00.
Nabatid na expire ang lisensya ng ginamit na chainsaw ni Mahinay noong magputol ito ng kahoy sa San Jose, Ibajay nitong nakaraanh March 9, 2021.
Samantala, kinumpirma naman ng Ibajay PNP na nai-file na nila noon ang kaso laban kay Mahinay, subali’t idinismiis umano ng fiscal hindi umano nakahabol ang mga supporting documents ng DENR.
Ayon pa sa Ibajay PNP, muli namang nai file ang kaso sa pamamagitan ng regular filing.