Connect with us

Aklan News

Wanted person na may kasong qualified theft arestado ng Ibajay PNP

Published

on

Wanted person na may kasong qualified theft arestado ng Ibajay PNP

NAPASAKAMAY na ng mga awtoridad ang lalaking wanted sa kasong qualified theft matapos arestuhin ng mga miyembro ng Ibajay PNP, 2nd Aklan PMFC at PIDMU Trackers Team nitong Hulyo 13 sa Brgy. Agbago, Ibajay, Aklan.

Ayon sa Ibajay PNP, ang naturang akusado ay residente ng nabanggit na lugar.

Naaresto siya sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge RONALD H. EXMUNDO of the Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 4 Kalibo, Aklan at may petsang January 28, 2020.

Aabot naman sa P108,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng Ibajay PNP para sa karampatang disposisyon.